unsaid feelings.
May 19,2013 - 1 note

tagged #:(
May 19,2013 - 1 note

Nakakaloka. Nakapasok yung MP3 band tapos si Chaermon Basa, hindi? Pilipinas GOT TALENT nga eh tapos binabase sa botohan sa text votes. Diba dapat sa talent? Pero ayan na eh. Ganyan talaga. Tapos isa pang nakakaloka yung mga spelling nila ng CHAERMON sa twitter, iba iba. Hahhahahahahaha. Sige. Daldal.


tagged #pgt
May 19,2013 - 0 notes

Trending parin sa twitter si Ms. Aiai saka Jed Salang. Gusto ko sanang magcomment tungkol dun sa issue nila. Napanuod ko din kase yung interview sa The Buzz. Pero ang hirap. Oo babae ako. Dapat kampi ako ke Ms. Aiai. Oo naawa ako tas medyo naiyak ako kanina nung pinapanuod ko yung interview. Pero ang hirap kase mag judge. Nakakaloka. Alam ko obvious na obvious na ang sama-sama ni Jed. Pero diba, hindi naman natin alam talaga yung ibang detalye. Ang alam lang natin eh yung napapanuod natin. May hindi tayo alam na silang dalawa lang yung nakakaalam. So yun. Quiet lang muna ako. Hahahahahahahahahaha.


tagged #weh? #haha
May 19,2013 - 0 notes

Nako nako, pag talaga hindi nakuha ‘tong Chaermon Basa (Tama ba? Haha. Yung nagf-flairtending.) sa PGT, ewan ko na lang.


tagged #pgt
May 19,2013 - 1 note

Pinakita ko kase kay Mama yung picture namin sa wedding.

Ako: Ma, eto yung mga pictures oh *abot ng cellphone ko ke Mama*

Mama: *tinignan, next. next. next. next. next. next. next. next. next. next. next. next. hanggang sa mapunta na sa mga hindi na picture sa wedding, puro muka ko na. next. next. next. next. next. next. next. next. next. biglang nagsalita si Mama* Sino to? Boyfriend mo?

Ako: *biglang lapit ke Mama* Hahaha. Si Mama mapagbintang. Yung crush ko yan. Nakita kase namin sa SM nagpapicture ako.

Mama: Landi mo talaga. Hahahaha

Ako: Mana sayo. Mwa! :)


tagged #mama #hahaha
May 19,2013 - 3 notes
“Kung nagagawa mong hindi tumawa sa mga jokes na natawanan mo na, bakit di mo subukang wag ng umiyak sa taong naiyakan mo na.”

May 19,2013 - 0 notes

Mas maganda pa si Kevin Balot kesa sa mga totoong babae :)


tagged #aww :(
May 18,2013 - 2 notes
via hershaine origin hershaine
May 18,2013 - 0 notes

Pa’no kung napunta ka sa situation na kailangan mong pumili between sa taong mahal mo saka sa parents mo? Sinong pipiliin mo? Yung mga taong mahal mo at nag-aruga sayo sa simula’t simula pa lang o yung taong mahal na mahal mo, mahal na mahal ka din, alam mong sya na yung taong alam mong makakasama mo habang buhay? Ang hirap diba?

Siguro yung ibang tao pipiliin yung parents nila. Kase, diba sabi nga nila “Walang hinangad na masama ang mga magulang para sa kanilang anak.” Saka magulang mo yan eh, nakasama mo buong buhay mo. Laging nandyan sa tabi mo. Simula nung bata ka pa na kapag nadadapa ka eh tinutulungan kang bumangon hanggang ngayon na kapag nakakagawa ka ng mali eh tatanggapin ka parin nila ng buong puso. At marami ka pa namang makikilalang iba, yung tanggap na ng pamilya mo.

Yung iba naman, pipiliin yung taong mahal nila. Ang reason naman nila, “Hindi naman yung magulang ko ang magmamahal saka makikisama sakanya eh, ako.” Saka, kung mahal ka talaga ng magulang mo, maiintindihan nila na kailangan mo ding sumaya. At kung mag-kamali man na pinili mo yung taong mahal mo, diba sabi “kapag nakakagawa ka ng mali eh tatanggapin ka parin nila ng buong puso.”

Ako? Kung ako yung tatanungin, hindi ko alam. Hindi pa naman ako napupunta sa sitwasyong ganyan. At sana hindi mangyari kase mahirap eh, mahirap pumili. Ngayon pa nga lang na iniisip ko eh hindi ako makapili. Masakit.


tagged #parents #love
May 18,2013 - 62 notes

supladongtamad:

Hinihintay padin kitang magparamdam sa akin kahit alam kong imposible pero umaasa padin akong maaalala mo ako kahit iba na yung kasama mo ngayon. Kapag tumutunog yung phone ko, umaasa akong ikaw yung nag text pero palagi kong na didisappoint yung sarili ko dahil hindi naman talaga ikaw yun. Umaasa padin akong kakausapin mo ako kahit may iba ka ng kausap. Umaasa padin akong maaalala mo padin akong e text at magiging concern ka padin sakin. Umaasa ako sa bagay na sobrang imposible ng mangyari dahil alam kong hindi ka naman talaga nag iisip sakin. Kapag may tumatag sa phone ko, tumatakbo ako at nagmamadali dahil iniisip ko na baka ikaw na yung nag text at baka gusto mong magsorry at gusto mong bumalik sakin. Palagi kong iniisip na sana naaalala mo din ako sa mga oras na mag isa ka. Umaasa padin ako na babalik ka sakin at mamahalin mo din ako ulit. Umaasa ako sa mga bagay na alam kong hindi naman talaga babalik sa dati. Pero masisisi mo ba ako kung patuloy padin akong umaasa? Hindi naman diba kasi hanggang ngayon ikaw padin yung iniisip ko na halos gusto ko ng mag first move pero nakakahiya dahil baka ma annoy ka sakin at e reject mo lang ako. Kapag may nagtetext sakin o tumatawag, palagi kong pinapanalangin na sana ikaw yun pero hindi pala.